FROM PAEG

PINILIT NILA AKONG ILIPAT ANG KUMPANYA KO

PINILIT NILA AKONG ILIPAT ANG KUMPANYA KO SA PANGALAN NG ANAK NILA BILANG “RESPECT” DAW — PUMAYAG AKO AT NGUMITI, PERO SA RECEPTION, IKINAGULAT NILA KUNG SAAN KO TALAGA “INILIPAT” ANG LAHAT

Ako si Chloe. Mula sa wala, itinayo ko ang Lumina Marketing, isa sa pinakamalalaking advertising firms sa bansa. Proud ako sa narating ko.

Pero para sa magiging biyenan ko na sina Doña Imelda at Don Roberto, ang tagumpay ko ay isang “insulto.”

Isang linggo bago ang kasal namin ng anak nilang si James, nagpatawag sila ng dinner.

“Chloe, Hija,” panimula ni Doña Imelda habang hinihiwa ang steak niya. “Hindi magandang tignan na ang babae ang mas angat sa pamilya. It creates… imbalance.”

“Anong ibig niyong sabihin, Ma?” tanong ko.

“Ang ibig sabihin ng Mama mo,” singit ni Don Roberto. “Kapag kasal na kayo, dapat si James na ang Head of the Household. Pati sa negosyo. It would be disrespectful if you keep the CEO title. You should transfer the ownership of Lumina Marketing to James.

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig.

Tumingin ako kay James. Inasahan kong ipagtatanggol niya ako. Inasahan kong sasabihin niyang, “Ma, pinaghirapan ‘yan ni Chloe.”

Pero hinawakan ni James ang kamay ko at ngumiti.

“Tama sila, Babe,” sabi ni James. “Kung talagang loyal ka sa pamilyang ‘to, at kung talagang committed ka sa akin, hindi issue ang papel. Ibigay mo sa akin ang kumpanya. Ako na ang bahala. Mas magmumukha tayong power couple kung lalaki ang Boss.”

Naramdaman ko ang init sa mukha ko. Hindi ito tungkol sa tradisyon. Tungkol ito sa pera. Gusto nilang angkinin ang pinaghirapan ko.

Pero sa halip na magalit, ngumiti ako nang napakatamis.

“Naiintindihan ko po,” malambing kong sagot. “Tama kayo. Bilang asawa, dapat marunong akong makisama. Huwag kayong mag-alala. Aayusin ko ang lahat bago ang kasal.”

Tuwang-tuwa sila. Nag-toast pa sila ng wine. Akala nila, isa akong sunud-sunuran na tanga.


ANG ARAW NG KASAL (RECEPTION)

Ang ganda ng venue. Ang mga bisita ay puro Business Tycoons, Investors, at Media Partners.

Kampante sina Doña Imelda at Don Roberto. Ipinagmamalaki na nila sa mga kumpare nila na si James na ang bagong may-ari ng Lumina Marketing. Si James naman ay naglalakad na parang hari, feeling CEO na.

Oras na ng Speeches.

Umakyat ako sa stage, suot ang aking wedding gown, hawak ang mikropono.

“Good evening everyone,” bati ko. “Gusto ko lang magpasalamat sa bago kong pamilya, kina Doña Imelda at Don Roberto.”

Ngumiti ang dalawang matanda, hinihintay ang announcement ng transfer.

“Tinuruan nila ako ng isang mahalagang leksyon noong nakaraang gabi,” patuloy ko. “Sabi nila, bilang babae, hindi dapat ako ang nagdadala ng bigat ng negosyo. Na dapat, ipaubaya ko ito para maging payapa ang buhay namin ni James. Sabi nila, ang pag-let go sa kumpanya ay tanda ng loyalty.”

Tumango-tango si Doña Imelda sa audience, proud na proud.

“Kaya naman,” tinaas ko ang baso ko. “Sinunod ko sila. I didn’t want to be disrespectful.”

“Ladies and Gentlemen, I am happy to announce that three days ago, I officially signed over the transfer of Lumina Marketing.

Nagpalakpakan si James at ang parents niya. Tatayo na sana si James para tanggapin ang pagbati.

Pero nagsalita ulit ako.

“James, Honey… dahil gusto mong patunayan ko ang loyalty ko at dahil ayaw niyong maging burden sa akin ang pagiging CEO…”

Tumingin ako sa malaking screen sa likod ko.

“I sold 100% of Lumina Marketing to GLOBAL CORP (ang aming biggest competitor) for a distinct amount of ₱800 Million pesos.”

Natigil ang palakpakan. Nalaglag ang panga ni James. Nanlaki ang mata ni Doña Imelda.

“Wait, what?!” sigaw ni James mula sa table.

Nagpatuloy ako, nakangiti pa rin.

“Yes! Since the sale happened three days before the wedding, ang ₱800 Million na kinita ko ay Sole Property ko at hindi kasama sa Conjugal Assets natin. Nakadeposito na ito sa isang Irrevocable Trust Fund na ako lang ang pwedeng humawak.”

Humarap ako sa mga biyenan ko na mukhang aatakehin sa puso.

“Ma, Pa… sabi niyo diba ayaw niyong magtrabaho ako? Gusto niyo akong maging Hauswife lang? Wish granted! Wala na akong kumpanya! Wala na akong trabaho!”

Binalingan ko si James na namumutla at pinagpapawisan.

“At ikaw, James… dahil gusto mong ikaw ang ‘Man of the House’ at Provider… ikaw na ang bahalang bumuhay sa akin ha? Good luck, Honey. Wala akong income ngayon. Aasahan ko ang sweldo mo bilang… ano nga ulit work mo? Ah, Assistant Manager.”

Natahimik ang buong ballroom.

Tapos, dahan-dahang nagtawanan ang mga bisita. Ang mga business tycoons na nakakaintindi ng ginawa ko ay pumalakpak sa hanga.

“Bravo, Chloe!” sigaw ng dating mentor ko.

Lumapit sa akin si James pagkababa ko ng stage. Galit na galit siya.

“Anong ginawa mo?! Akala ko ba ita-transfer mo sa akin?!”

“Tinransfer ko naman ah?” inosente kong sagot. “Tinransfer ko sa Global Corp kapalit ng pera. Sabi niyo kasi ‘transfer the business’, hindi niyo naman sinabing ‘for free’. Businesswoman ako, James. I don’t give things away.”

Tinapik ko ang pisngi niya.

“Welcome to married life, Honey. Sana kasya ang sweldo mo sa lifestyle ko.”

Sa gabing iyon, napatunayan ng pamilya niya na mali sila ng binangga. Akala nila makukuha nila ang gintong itlog ng gansa, pero ang nakuha lang nila ay ang shell, habang ang ginto ay ligtas na nakatago sa bulsa ng babaeng minaliit nila.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
error: Content is protected !!